SARILI
Kailan ka kaya matututo
na huwag agad ibigay ang puso ng buo
Ang taong ginagawa mong mundo
totoo nga bang may pakialam sa’yo?
Sabi ko naman sa’yo, hinay hinay lang
marupok mong puso’y isaalang-alang
Ngayon nasasaktan ka, lumuluha
Sino nga bang may kasalanan, ikaw ‘di ba?
Hindi ka pa ba napapagod ibigay ang lahat
Masaktan ng paulit-ulit, hindi pa ba sapat?
Ayos lang maging tanga, pero hindi dapat lagi
Lagi mong isipin na lahat ng sobra ay mali
Oo, alam ko, alam kong masarap ang magmahal
pero huwag naman sa taong hindi ka mahal
Taong alam mong pwede kang saktan
taong alam mong hindi ka naman kayang ipaglaban
Tama na, mahalin mo naman ang sarili mo
Piliin mo naman na sumaya kahit papaano
Hindi naman siguro masama na sarili’y unahin
Pansamantalang puso’y pagpahingahin

Comments
Post a Comment