Ang Tugon sa Mensahe sa Bote

Nang aking natanggap ang iyong liham
ako'y nakaramdam ng kasiyahan
Kasiyahang hindi pangkaraniwan
sapagka't ito'y mula sa isang kaibigan

Kaibigan na siyang nagsisilbing kuya

Karamay palagi sa lungkot man o saya
Malayo sa isa't-isa pero laging nariyan
Sa pagsubok ay nagsisilbing sandigan

Ngunit ngayon nasaan ka na?

Ako ba'y kinalimutan mo na?
Ang ating mga pinagsamahan
at ang ating pagkakaibigan?

Sa bawat araw na dumaraan

lagi kang nasa aking isipan
Kailanma'y hindi kinakalimutan
Lalong higit ang ating pinagsamahan

"Mahal na mahal kita, ramdam mo ba?"

"Namimiss na rin kita, alam mo ba?"
Ilang salita na nais kong iparating sa iyo
sa oras na ang liham na ito'y makita mo

Imposible man kung isipin ngunit ako'y umaasa

na ang tugon ko sa liham mo ay iyong mababasa
At kung sakali mang ito'y matanggap mo
Kaibigan, sana ako'y maalala mo


photo credit: https://www.google.com.ph/search?q=message+in+a+bottle&biw=1242&bih=602&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjvt6XN4MTSAhXCLpQKHTohAWkQ_AUIBigB#imgrc=lSoDbHxsmhpxMM:


response to psalmuel chan's "mensahe sa bote"

Comments

Popular Posts