WALA NA
Dumating
kang gaya ng araw sa umaga
Maliwanag,
puno ng pag-asa at sigla
Nagsilbi
kang kulay sa kupas kong buhay pag-ibig
At
nagbigay ng kabog maging sa aking dibdib
Masarap
pala
Masarap
pala talaga
Masarap
pala talaga na muling umibig
Pagkatapos
ng mga sakit
Na
naranasan sa dating pag-ibig na pilit
Napakasarap
dahil tayong dalawa ay napuno ng magagandang pangako
Mga
pangakong kay tamis pakinggan
Tayong
dalawa ay bumuo ng mga pangarap
Mga
pangarap na mas mataas pa sa alapaap
Oo
sabay tayong bumuo ng mga ito
Ngunit
sa isang iglap lahat ng ‘yon ay naglaho
Naglaho
na parang bula
Ng
bigla ka na lang ding nawala
Masakit
dahil ang dami mong mga pangako
Sobrang
sakit dahil akala ko lahat ng iyon ay totoo
Masakit
dahil akala ko
Akala
ko
Lahat
ng ‘yon ay tutuparin mo
Sabi
mo hindi mo ako iiwan
Sabi
mo mananatili ka laging nandyan
Sabi
mo hindi mo ako sasaktan
Sabi
mo hindi ka mawawala
Sabi
mo lang pala
At
hindi mo nagawa
Patuloy
kong hiniling sa Dios
na
sana nandito ka parin
Na
sana tayo'y masaya parin
Na
sana ako'y masaya parin
Na
sana.. may ikaw at ako pa rin
Ngunit
ang mga sana ay napalitan ng paano kung
Paano
kung hindi ka dumating sa buhay ko
Paano
kung hindi mo ginulo ang puso kong matagal na ring magulo
Paano
kung... paano kung... una pa lang hindi na tayo nagtagpo
Ngunit
wala na
Wala
ng saysay ang bawat sana at paano kung
Dahil
tapos na
Dahil
nasaktan na ko ng sobra sobra
Na
kahit ubusin ko man ang lahat ng aking panahon sa mga tanong kong wala rin
naming sagot
Wala
na
Wala
ng pag-asa para maibalik ang dating tayo
Wala
ng pag-asa dahil lumisan ka na
Kaya
paalam na
Sana
masaya ka
photo credit: https://www.flickr.com/photos/tease2010/5912785205



Comments
Post a Comment