HAYAAN MO
Nagsimula sa pagiging magkaibigan
Lumalim at nagkagustuhan
Alam na mali ngunit patuloy na ginagawa
Hindi dahil tama, kundi dahil parehong masaya
Gustong lumisan nang tuluyan ngunit nahihirapan
Dahil sa bawat ayaw, laging may rason upang hindi makabitaw
Pinipilit na humakbang ng patalikod, kahit unti-unti, kahit paisa-isa, kahit hindi biglaan, ngunit hindi pa rin mapigilan
Dahil sa bawat ngiti, sa bawat lambing, ang isang hakbang patalikod ay nagiging dalawang hakbang patungong unahan
Laging iniisip, kailan kaya tayo matatapos
Kailan kaya ako matatapos?
Kailan kaya ako makakawala sa ganitong pagkakagapos
Pagkagapos sa mga salitang sana at paano kung
Sa sana tayo na lang, sa paano kung tayo na lang
Hindi totoo na kapag mahal mo ayos lang kung hindi ka mahal
Dahil aminin mo man o hindi, iba ang pakiramdam kapag ikaw din ay minamahal
Kahit papano ay umaasa ka na mahalin ka rin, na piliin ka rin
Pero tandaan na kung ang tao ay para sa’yo, para sa’yo
Huwag mong pilitin ang bagay na hindi naman nakalaan para sa’yo dahil sa dulo ikaw rin lang ang talo
Hayaan mong dumating ang tao na handa kang ipaglaban
Hayaan mong dumating yung panahon na hindi mo na kailangang masaktan para makamit yung pagmamahal na lagi mong inaasam
photo credit: pinterest



Comments
Post a Comment