PITONG LETRA



Pag-ibig, isang salita ngunit maraming kahulugan
Pitong letra pero maraming naguguluhan
Ano nga ba ang salitang ito?
Bakit sobrang daming nalilito?

Ang pag-ibig ang rason kaya't lahat ay kayang hamakin
Ang buwan at mga tala sa langit ay kaya daw sungkitin
Mga dagat at ilog man ay kayang tawirin
Kahit matataas na bundok ay kayang akyatin

Dahil sa pag-ibig, maraming nasawi
Madaming umasa at naiba ang gawi
Ang dating matalino ay naging bobo
Kaya't puso ay madaling naibigay ng buo

Ngunit may kagandahan sa pag-ibig
Nagiging masaya kapag kasama ang iniibig
Lungkot at lumbay ay napapawi
Lalo na pag nakita ang mahal ay nakangiti

Marahil minsan sa pag-iibigan
Ay nagkakaroon ng alitan
Ngunit sa kabila ng 'di pagkakaunawaan
Pagsubok ang magpapatatag ng samahan

Ang pag-ibig ay 'di nangangailangan
Ng anumang mababaw o malalim na kahulugan
Ito'y kailangan lamang maramdaman at iparamdam
Nang may sinseridad at katotohanan

Kaya kung ikaw ay iibig ng isang tao
Pahalagahan mo at mahalin ng totoo
Dahil ang pag-ibig ay 'di laro bagkus dalisay
Gaya ni Jesus na nag-alay ng buhay


photo credit: http://www.nairaland.com/3473746/hypothesis-love

Comments

Post a Comment

Popular Posts